Hindi sikretong madami sa atin ang nagkaroon ng malaking pangangailangan ngayong panahon ng lockdown, hindi lang dahil sa bawal lumabas ng bahay kun’di dahil na rin sa kawalanan ng hanap buhay ng ilan sa atin. Sapat na dahilan para ang karamihan sa atin ay naisin na mag negosyo after nitong lockdown. May mangailan-ilang negosyo ang kayang kayang simulan gamit ang kapital sa Land title loan or Sangla titulo at ito ang ilan sa kanila na maaaring maging mataas ang demand.
E-Negosyo
Hindi maipagkakaila na ngayong panahon kung kalian bukod sa bawal ay nakakapangamba lumabas, namamayagpag ang mga digital services. Lumaki ang demand sa essential services online katulad ng Pasa-buy kung saan imbes na lumabas, magpapasabay ang ilan ng bilihin sa ibang lalabas. Naging mas malaki din ang emphasis sa hyper local distribution dahil ang paghihigpit sa paglabas ay pinatutupad sa barangay level. Magandang magsimula sa frozen goods at dairy (itlog, butter, cheese), dahil pwede itong ilagay sa ref para tumagal hindi tulad ng mga prutas at gulay na mabilis ang shelf life at nagiiba ang ripeness at quality. Shempre kailangan mo mag invest sa refrigerator. Kung gagawa ka naman ng sarili mong products like chili oil or chicharon, kailangan mo ng kapital para sa packaging(bote, box, resealable bag, etc), sealing(heat gun), labeling (printer), at marketing (computer). Distribution or delivery (motor & mini-truck) is optional pero kung gusto mong mas maraming matugunan na customers, mabuti na ring isama ang delivery modes sa mga bagay na paglalaanan mo ng land title loan.
Delivery Fleet Partnership
Napakalaki ngayon ng demand para sa food and supplies personal delivery. Habang ang mga services na ganito ay sikat sa Metro Manila at marami pang ibang areas sa NCR, ang mga services katulad ng Lalamove, GrabFood, at FoodPanda ay hindi pa available sa ibang probinsya. But not anymore! Nagsisimula na silang mag expand dahil din sa laki ng demand nationwide.
Pwedeng magsimula ka ng sarili mong fleet ng motorcycles at makipag partnership sa mga ganitong services—kumita ka na sa partnership at nakapag bigay ka pa ng job opportunity para sa mga riders na walang sarili nilang motor.
Bike & Motor Services
Ngayong nagkaroon ng ban sa public transportation, nagkaroon din ng emphasis ang kahalagahan ng private means of transportation. Isa sa pinaka viable ay ang motorcycles dahil sa mas mura itong bilhin kesa sa kotse, pero dahil din sa pagbibigay ng emphasis natin sa greener or eco-friendly and healthier lifestyle, lalaki din ang demand sa bikes. Pwedeng gamitin ang land title loan para magopen ng bike shop or kung mas ambitions ka, pwede kang magbenta ng motor or kumuha ng maliit na franchise ng motor distribution katulad ng Motortrade. Bukod dito, pwede ring bike or motor parts and accessories ang gawing negosyo dahil malaki rin ang demand for customization.
Leave A Comment