Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Monday - Friday 9:00 AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 8294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

Business-minded ka ba? Mga mindset na makatutulong para lumago ang 2021

Kung nalaman mo agad ang lahat ng mga unos at pagsubok na dala ng 2020, anu-anong bagay ang dapat sana’y pinaghandaan mo? Sa gitna ng mga mapaminsalang bagyo at malawak na epekto ng pandemya, maririnig ang mga panaghoy ng simpleng mamamayan.  Sa bawat pagbagal ng takbo ng ekonomiya, may kaakibat na kaba kung kakayanin pa ng financial resources ang patuloy na gastos.  Paano nalang ang mga planong pagtatayo ng negosyo?

Iwanan na natin ang mga masasakit na ala-ala ng 2020 ngunit baunin natin ang mga aral para mas lumago ang personal finances sa parating na taon.  Narito ang ilang mindset na maaari mong aralin at i-adopt.

Ang risk ay normal na bahagi ng buhay

Bago tayo magpatuloy, tandaan na ang “risk” ay normal na bahagi ng buhay. Marami ang nagdadalawang-isip na sumugal sa parating na taon ngunit dapat ay maging klaro sa ating mga sarili na walang panahon ang maituturing na tama o mali lalo na kapag dating sa pagtatayo ng negosyo.  

Ang dami na nating naranasan sa mga nakalipas na buwan ng 2020.  Marahil naitanong mo na sa sarili minsan: “Ano pa ba ang maari kong maranasan na hindi ko kakayaning lampasan?” Pinaalala sa atin ng 2020 na tama lang na makaramdam ng takot ngunit hindi dapat matapos lamang sa ganoong kalagayan.   

Tama ang mag-invest sa sarili

Sa pananatili natin sa bahay sa napakahabang panahon, doon natin naranasan ang mas matinding pagod (para sa ilan naman, umabot sa burnout) dahil halos nawala ang konsepto ng work-life balance.  Hindi ito dapat ituring na simpleng bagay dahil ang iyong holistic health ang nakasalalay dito.

Sa pag-i-invest sa sarili, hindi ito nangangahulugan ng pagbili ng mga mamahaling gamit.  Ang simpleng pagkakaroon ng sariling oras para magnilay at magplano para sa sarili ay sapat na para makabawi ang iyong sistema sa demanding na sitwasyon.  

Maging matapang ngunit matalino 

Para sa ilan, ang kakapusan ng kapital ay sapat nang dahilan para ibaon sa limot ang mga pangarap na negosyo.  Hindi ba ang mas tamang pagtingin sa ganitong sitwasyon ay humanap ng mapagkukuhanan ng kapital? Maaari kang manghiram sa mga banko ngunit kung hindi palarin, nariyan ang mga institusyon gaya ng JCT EZ Loan para magbigay ng pag-asa.

Ang OR/CR ng iyong kotse o di kaya naman ay land title ng property sa Pinas ay maaring gamitin sa collateral loan. Hindi gaya ng karamihan sa mga bangko at ibang lending institutions, ang JCT EZ Loan ay considerate sa kalagayan ng kliyente.

Ang unang hakbang sa isang masaganang 2021 ay ang magtanong.  Iwanan natin ang mga lumang nakasanayan tungkol sa collateral loan at simulan ang 2021 ng may positibo at malawak na perspektibo.

By |2020-12-29T00:50:27+00:00December 29th, 2020|Business Tips|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment