Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Monday - Friday 9:00 AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 8294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

Ideas para sa iyong House Renovation ngayong 2020

Sa pagpasok ng bagong dekada, masasabi mo ba talagang ready-ng ready ka na harapin ang 2020 at 10 more New Years na may mas matinding optimism? Lalo pa, masasabi mo bang handa na ang iyong bahay na harapin ang susunod na sampung taon? Kung interesado ka sa pagrerenovate ng bahay, ito ang oras para gamitin ang iyong ipon, mag garage sale ng inyong mga gamit na hindi na kailangan o papalitan, o magavail ng sangla titulo at iba pang uri ng loan, at sundan ang mga susunod na mungkahi para sa isang New Decade of good things!

Pagsusuri at Pagplaplano

Bago simulat ang pagpapa-renovate, siguraduhing nagsuri, nagplano, at nagsaliksik ka na sa gusto mong gawin. May kausap ka na bang renovatoro contractor? Nasabi mo na ba sa architect ang iyong vision? May sapat na kakayahan ba ang bahay mo para ma-achieve ang gusto mo (tulad ng sapat na pundasyon kung nais magpadagdag ng bagong floor).

Ligtas na Pag-budget

Kapag ikaw ay nakapagsaliksik na at may malinaw nang plano, alamin rin ang pinaka mainam na paraan para sa pagbubudget. Bihira ang may ipon na perang sasapat para sa mga major renovation pero mainam rin na ikaw ay kumuha ng loan. Pwede isangla ang titulo at gamitin ang pera para sa renovation lalong lalo na kung may hinahabol na dead line (maaring may mga bibisita galing abroad o may interesadong bilhin ang bahay at nais mong iangat ang property value).

Pangkaligtasan

Isa sa mga mahahalagang maaring mong idagdag sa renovation plans ay ang paglagay o dagdag ng safety provisions or mga installations na pangkaligtasan. Halimbawa, pwedeng gawing panic room ang isang kwarto kung sakaling magka break in. Pwede rin iplano muli at dagdadgan  ang mga fire escapes pati na rin ang mga lugar na ligtas pagtaguan sa panahon ng lindol at iba pang sakuna.

Bonggang Banyo

Isa marahil sa mga lugar sa bahay na hindi agad natin maiisip iparenovate ay ang banyo ngunit isa rin ang banyo na lugar sa bahay kung saan pinaka nakakapag limi ang mga tao. Kapag pinaplano ang pagrerenovate ng banyo, isiping lagyan ito ng mga bagay na mai-improve ang oras-pansarili tulad ng scented candles pati na rin ng hot/cold faucet at shower. Kung gusto mo talagang marelax, pwede rin mag install ng bathtub.

Kusinang Magara

Ang pinakamahalagang bahagi ng tunay na Pinoy sa bahay ay ang kusina. Dito, hindi lang pagkain ang mahalaga—dito rin nagsasalosalo ang mga tao para kumain. Tanggalin na ang dati nating paghihiwalay ng “kitchen” at “dirty kitchen” at sa halip, siguraduhing ang kusina ay kaayaaya at renovated para magawa ng mga nakatira sa bahay ang mga gusto nilang lutuin tulad ng oven para sa mga taong nagbe-bake or pagkakaroon ng malalaking counter tops para sa mga pamilya na ginagawang bonding ang oras sa kusina. Mejo mahal ang pago-overhaul ng kusina kung kaya’t tunay na makakatulong ang sangla titulo loan sa ganito kalaking renovation.

Bintana, Sahig, at Liwanag

Syempre, higit sa lahat ay dapat isaalangalang rin ang mga fixtures tulad ng bintana, sahig, pintura at lighting. Para sa 2020, mainam na magdagdag ng mga bintana hindi lang para mas gumanda ang pasok ng pera ngunit para na rin maimprove ang natural lighting. Siguraduhin ding maayos ang flooring at ipatibag o ipabago ang sahig na nagwawatak watak na.

Para sa 2020, ano ang iyong dream renovation? Share mo naman sa amin! Para sa mga gusto mo bang renovations, may pang pondo ka na ba? Alam mo bang safe at madali lang mag-avail ng land title loan? Kung 21-60 years old ka at may stable income, kailangan mo lang isubmit ang iyong land title at iba pang minor requirements sa trustworthy institution para sa safe na sangla titulo loan transaction. Matutuhan pa kung gaano kadali ang process by visiting this website of a reliable land title loan provider.

By |2020-07-23T04:26:13+00:00March 10th, 2020|Loan Tips|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment