Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Mon - Fri 9:00AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

In-demand Ngayong Quarantine Period: Computer Distrubution

Hindi lihim na maraming nawalan ng kabuhayan dahil sa iba’t ibang antas ng community quarantine na ipinatupad sa buong bansa mula pa noong March. Dahil sa pagkakawala ng iba sa trabaho mula sa paghinto ng operations ng maraming industriya, napaka laki ngayon ng demand para as trabaho lalo na ang mga work from home opportunities. Kasabay ng pag taas ng ganitong demand, tumaas lumakas din ang bentahan ng laptops at desktops. Kung may negosyo ka na, pwede kang mag invest ng capital sa computer distribution.

Ang kagandahan sa pag-explore ng computer distribution sa panahon ngayon ay marami kang siguradong magiging buyers. Ang magiging factors na lang sa kung gaano ka kalakas makakaubos ng stocks ay dalawang bagay: area of delivery (recommended talaga na ideliver ang mga units) at kung gaano ka mura mo kayang ipasa ang units.

Buy & Sell

Ito ang unang model ng distribution na pwede mong gawin pero ang isa sa mga pwedeng kaharapin na problema ay ang guarantee on quality. Dahil nga ikaw ay mamamakyaw ng mga second hand units at ipapasa mo rin nang may kaunting tubo, hindi mo matitiyak ang kalidad ng unit.

Reselling/Redistribution

Ito ang pinaka mainam na model ng computer distribution na pag-gamitan ng business loan. Bagaman hindi ka makakabili at makakapag offer ng kasing mura ng sa buy & sell, tiyak ka naman na hindi second hand ang iyong units. Lahat ng iyong ididistribute ay brand new. Pangalawa: kung may defects, pwede mo isauli at ipareplace sa pinagkunan mo (depende sa contract niyo) at kung magkaroon ng problema ang units kapag gamit na ni customer, pwedeng warranty na ang sumalo sa kanilang concern. Panghuli ay, dahil direct from distributor ka kukuha, maari kang makakuha ng wholesale discount kung hindi man ay makapag-haggle or tawaran ka depende sa laki ng iyong purchase.

Parts & Services

Ito ay ang huling service na nire-recommend naming iprovide dahil kailangan mo maginvest din ng oras para magaral ng repair or kung hindi man ay magtalaga ng capital para kumuha ng mga marunong magayos at pati na rin bumuo ng computer. Isa sa pinaka premium service na pwede mong ihandog ay home service bilang ang computer repair sa bahay ay hindi pa rin nauuso kaya maliit din ang competition.

Ang huling kailangan mo pagisipan kung ilalaan mo ang iyong business loan para sa short term gains or long term na. Kung short term, pwede nang maging redistributor ka at ibenta online ang mga units with free delivery. Kung naman mas long term ang iyong plano para sa business na ito, pwede mong pagsamahin ang distribution at services.

By |2020-07-15T04:15:39+00:00July 10th, 2020|Business Loan|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment