Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Monday - Friday 9:00 AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 8294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

Industry Shift: Mga Bagong Business Model Approaches sa mga Lumang Negosyo ngayong Pandemic

Ang sabi nila, if you want to start a successful business, don’t sell products but instead sell solutions. Sa panahon ngayon, ang laki ng problemang kinakaharap natin sa anyo ng pandemic na dala ng COVID-19. At dahil problema siya, opportunity din siya para hanapan ng solution. Lalo na para sa mga OFW nating mga kababayan na marahil ay mahirapan muli makapag ibang bansa anytime soon, mainam na mag low interest collateral loan gamit ang titulo ng lupa o rehistro ng kotse para magsimula ng negosyo. Subalit ano paano ba pagyayabungin ang negosyo ngayong panahon ng pandemya? Heto ang ilang halimbawa ng industry shift na pwede kapag nais mong maglaan ng capital sa mga industrya na ito.

 

Clothing & Accessories

Sa address ni Vice President Leni Robredo, nabanggit niya ang pag shift ng efforts ng mga established industries to cater services na in demand sa context ng pandemya at binigay niyang halimbawa ay ang textile industry; ilan sa mga garment makers ay nagshift na into making personal protective equipments or PPEs. Pwede kang mag business exclusively ng PPE or pwedeng ipagsama ang style at safety! Ipackage ang bawat purchase para may kasamang faceshield at mask halimbawa. Mag offer din ng mas stylish ng mga PPE options na pasado sa health standards. Imbes na sa physical store, pwede itong ibenta online.

 

Construction

Kahit huminto ang industriya ng construction, hindi lumiit ang demand para dito. Kung nais mag invest into construction, whether sa hardware, pagiging contractor, landscaping, at marami pang iba, may mga options ka to adjust the service into solutions for pandemic. Halimbawa ay magbigay ng house designs na may sanitation area at mas dynamic ang air flow. Maginvest din sa pagpropagate ng indoor at outdoor plants na sobrang patok ngayon. Pwede rin magsaliksik sa mga construction materials na renewable tulad ng bioreactors, or self-healing concrete at magsimula ng hardware store gamit ang low interest collateral loan. Kung magfu-full blown construction naman, pwede kang magsimula sa website imbes na umupa ng opisina. Mas maliit ang puhunan, ngunit mas madami ka rin namang advertising options.

 

Food & Nutrition

Hinding hindi mawawala ang pagkain sa mga bagay na in demand. Lagi itong relevant pero paano mo gagawing mas naaayon sa problema ng pandemiya? Habang ang iba ay nagaalok ng mga junk food at sweet, maaring ang ialok mo ay whole foods tulad ng home cooked o ready to reheat & eat meals na masustansya. Gumamit ng usong ingredients katulad ng luya, bawang, lime, lemon, at marami pang pampalakas ng resistensya—maaaring mong gamiting selling point ang better food = better immunity paradigm. Pwede ka rin magdistribute ng FDA approved na vitamins, minerals at supplements dahil in demand din ito ngayon. Lahat ito ay pwede mo iadvertise at itransact online rin para mas secure at hygienic.

 

Death Services

Bukod sa pagkain, isa pa ang death services sa mga hinding hindi mawawala na pangangailangan sa dulo buhay ng tao. Kalian lang ay halos 60 na katawan ang kailangan i-cremate sa iba’t ibang funeral service providers sa Maynila dahil sa pandemic; halos kasing puno ng hospital ang mga punerarya. Lahat ay namamatay, at ngayon pandemic, di hamak na mas malaki ang pangangailangan para sa makatao at simpatikong death services. Gamit ang low interest collateral loan, pwedeng mag tayo ng sarili mong funeral homes at gawing pangunahing consideration ang pagoffer ng cremation dahil ito ang mas preferred na interment method sa kasalukuyan. Isa din sa hinanaing sa ganitong panahon ng grieving ay ang pangangailangan sa social distancing kaya mabuti nang maginvest din sa cameras and laptop setup para pwedeng mag alok ng online wake para sa mga yumao na maraming gusto makiramay.

Bilang isang sambayanan, parepareho tayong nahihirapan sa pandemic na ito pero hindi lang iyon ang pagkakaparepareho natin; parepareho din tayong mga Pilipino na metatag at maparaan. Sa tulong ng isa’t isa, pwede natin handugan ang ating kapwa ng mga lunas sa iba’t ibang problema.

By |2020-09-21T06:48:37+00:00September 21st, 2020|Loan Tips|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment