Lalo na para sa mga Pinoy na nagipit sa hindi nila inaasahang pangyayari, madaling isipin na “kung magsasangla ako ng titulo ng bahay, bakit hindi na lang sa kakilala?” Mukha ngang mabilis ang pagloloan ng pera sa kakilala dahil mas mabilis ang usapan at bukod sa pagaabot ng titulo sa kanila, ang iba ay ifina-file ang loan sa abogado pero sa kabila nito, mas secure nga ba ito kumpara sa pagsasangla ng titulo sa isang kumpanya?
Payment Terms
Ang ilan sa atin ay maaaring naranasan nang masaksihan ang kapitbahay na dinayo ng maniningil. Kapag sa tao ginawa ang paghiram ng pera, maaaring ganito rin ang iyong maranasan kung halimbawa ay hindi ka makapagbayad empunto sa singilan. Maraming kumpaniya ang nagaadjust ng payment due dates nila para ma-accommodate ang mga kliyente kung kailan pinaka maginhawa para sa kanila magbayad at mas marami rin silang kayang ialok na payment methods. Ang iyong sanla titulo ay hindi nanganganib dahil mas flexible ay payment terms ng mga kumpanya pati na rin ang kanilang sanctions for late payments; ang iba pa nga ay maaaring kausapin para ireconsider ang penalties. Bukod dito, kahit gaano kalaki ang loan, bihira ang mga individuals pumayag sa payment terms na higit sa 2 taon samantalang ang mga kumpanya ay bibigyan ka ng payment plan sa sa pagitan ng 2 hanggang 5 taon, depende sa iyong kakayanang magbayad.
Interest
Kapag nag loan, ang unang gusto mo malaman ay kung magkano ang mahihiram na salapi pero kasunod na kasunod nito, mahalaga kaagad malaman kung magkano ang magiging interest or tubo. Kung naglo-loan sa mga individuals, pinaka maliit nang interest rate ay 5%. Depende sa kung sino ang magpapaloan, maaari itong umabot ng 20%, isang interest scheme o patubo na mas kilala bilang 5-6 (ratio of 5 parts utang and 6 parts repayment). Kung maglo-loan ka ng 500k, ang kailangan mo isauli ay 600k na, 100k ng pera mo ay mapupunta lamang sa patubo. Sa mga kumpaniya naman, malaki na ang 3% na tubo. Ang iba pa nga ay nagbibigay ng kasing liit ng 1.7%. Kung hihiram ka ng 500k, nasa 8500 lang ang tubo sa iyo, napaka laking pagkakaiba kumpara sa kung sa kakilala ka hihiram!
Collateral
Tandaan na sa sangla titulo na uri ng loan, maaaring makuha sa iyo ang iyong property. Karaniwan, kapang ang panghihiram ang gagawin lamang sa individuals, bukod sa titulo ay hihingin din ang deed of sale. Sa ganitong paraan, hawak talaga nila sa leeg ang nanghiram. Sa mga kumpanya, ang titulo lang ang hinihingi. Kung magkaroon man ng conflict, hindi din maaaring basta i-claim ng loaning firm ang titulo; magdadaan muna ito unang una sa empathetic consideration or pagdinig sa dahilan kung bakit hindi nakapagbayad, at pangalawa ay sa arbitration ng korte.
Sa unang tingin, akala mo ay napaka busisi ng pagaapply ng sangla titulo loan sa mga kumpanya pero ang katunayan, lahat ng requirement, forms at iba pang paperwork na kailangan mong asikasuhin ay pawang para sa proteksyon din ng iyong titulo at para matulungan ang ahensyang bigyan ka ng wastong loan sa na pwedeng bayaran sa paraang hindi ka malalagay sa alanganin.
Leave A Comment