Maswerte ang mga negosyong may kakayahang mag-operate matapos ang halos anim na buwang operational disturbance dahil sa lockdown. Ngunit hindi maitatago ang bigat ng dalahin ng mga business owner mula sa hindi normal na takbo ng negosyo–matumal na benta, patuloy na operational expenses, at iba pang intindihin. Marahil ay sinubukan mo na ang bank loan para makakuha ng dagdag na puhunan ngunit hindi pinalad. Maituturing ba na isang magandang option ang land title loan at sangla OR/CR para sa mga business sa Pilipinas?
Ang land title loan at sangla OR/CR ay mga alternatibong funding solutions para sa mga negosyo sa Pilipinas lalo na sa gitna ng isang pandemya. Narito ang ilan sa mga kadalasang rason kung bakit hindi naaaprubahan ang isang bank loan.
Dahilan ng Denied Bank Loan Application
Mataas ang posibilidad na ang isang business loan ay hindi iga-grant sa mga negosyong walang consistent na cash flow. Sa panahon ngayon na maraming non-essential industries ang lubhang pinilay ng COVID-19, ang track record ng operating history ng kumpanya ay mabusising pinag- aaralan ng mga bangko sa bawat loan application na kanilang natatanggap kasama na ang history ng past transactions, on-time at late payments, credit score at iba pang financial performance metrics.
Para sa mga may existing loan sa mga bangko, tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang isang bagong loan application.
Alternative Funding Solutions
Maihahalintulad ang pagkakaroon ng isang negosyo sa pagpapalaki ng anak. Bilang isang business owner, hahanapan mo ng paraan upang patuloy na mag-operate ang negosyo kahit gaano pa man kagulo ang sitwasyon. Bilang isang business owner, willing ka na gamitin ang iyong personal resources upang matugunan ang mga pangangailangan. Ngunit paano kung ma- deplete ang iyong resources?
Kung tutuusin, maaring manghiram ng pera sa mga kaibigan o kamag-anak ngunit hindi kumportable ang karamihan sa ganitong option dahil na rin sa posibilidad ng misunderstanding. Ang collateral loan gaya ng land title collateral loan at Sangla OR/CR ay magandang alternative funding solutions para sa mga nagnenegosyo sa Pilipinas.
Faster Approval Time
Hindi gaya ng non-collateral loan na kadalasang inaalok ng mga bangko, ang land title loan at sangla OR/CR ay mas mabilis maaprubahan basta may titulo ng lupa o kaya naman ay OR/CR ng sasakyan. Ang approval rate ay di hamak na mas mataas kaysa bank loan, basta siguraduhin lang na kumpleto lahat ng requirements para sa isang collateral loan.
Bigger Loanable Amount at Flexible Terms
Ang iyong collateral (maaaring land title o OR/CR ng sasakyan o condominium) ay dadaan sa appraisal process para malaman kung magkano ang maaaring mahiram na pera mula sa mga lending companies. Ang kagandahan dito, ang iyong property ay maximized. Marahil natatakot ang mga may titulo na baka ma-repossess ang property kung sakaling hindi makabayad sa maikling panahon lalo na kung sa indibidwal ito isinangla. Ang isa pang kagandahan ng pag-a-avail ng collateral loan ay may mga lending companies na higit na considerate kaysa sa mga indibidwal na nagpapautang at mabilis silang mag-proseso kumpara sa mga bangko.
Low Interest Rate
Ang iyong loan proceeds ay maaring magamit sa pagpapalakas ng iyong negosyo o di kaya naman ay gamitin ang portion nito sa house construction o renovation. Ang collateral loan sa mga lending companies ay may interest rate na as low as 1.75%.
Halos 3,000 small and medium-sized enterprises ang nagsara, habang nasa 1,200 negosyo ang nagdesisyong pansamatalang itigil ang kanilang operasyon dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Labor and Employment. Isa ba ang iyong negosyo sa mga sinubok ng pandemya? Pagbali-baliktarin man ang mga numero, hindi maikukubli ang dagok na naranasan ng halos nasa kalahating milyong manggagawa lalo ng mga business owner.
Natural lang na maghihigpit ang mga bangko sa pagpapahiram ng pera sa mga indibidwal at mga kumpanya sa kalagitnaan ng isang pandemya. Tila dadaan ka sa butas ng karayom para makuha ng additional funding para sa iyong negosyo. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang land title loan at sangla OR/CR ay isang magandang alternatibo para sa mga Negosyo sa Pilipinas lalo na sa panahon ng pandemya.
Leave A Comment