Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Monday - Friday 9:00 AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 8294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

Mga Puwedeng Paggamitan ng Startup Business Loan at Dagdag Puhunan Loan

Dahil sa COVID-19 pandemic, hindi mapagkakaila na lumaki ang pangangailangan ng mga tao para maghanap buhay or magsideline. Ang ibang may trabaho dati ay nawalan. May ibang bagaman may trabaho, hindi kumikita dahil sarado ang opisina. Mayroon pa ring iba na mismong ang negosyo nila ang apektado. Para sa mga gusto magsimula ng negosyo, mayroon startup business loan na pwede i-avail. Para naman sa may sarili nang negosyo, maaring kumuha ng dagdag puhunan loan para pagtibayin pa lalo ang inyong business.

Mga Patok na Paglaanan ng Startup Business Loan

Food Business
Kahit kalian, hindi mawawala ang pagkain sa mga bagay na in demand ngunit kung nais itong subukan, alamin din ang market topography—anong pagkain ang in demand sa isang lugar? Anong menu ang maaaring hindi pa nakarating sa lugar na iyon tulad ng nauusong ube-desal, sushi bake, at iba pa. Bukod sa cooked food, pwede din ang frozen food, preserved food, imported goods at iba pang matagal ang shelf life.

 

Gardening
Nagkaroon ng movement toward sustainable living dahil sa worldwide pandemic. Pawagan ng World Health Organization na manatili sa bahay hanggat maaari kung kaya’t lumakas din ang demand para sa productive plants. Ang dali rin mamuhunan sa paghahalaman dahil pwede kang magsimula with an online store imbes na umupa sa puwesto. Maifo-focus mo ang iyong funds into goods at mami-minimize mo ang overhead costs. Maaaring gamitin ang startup business loan para magsimula ng gardening business at simulant mag invest sa mga food crops at pati mga halaman na nagiimprove ng air quality.

 

Carwash
Sa kabila ng pag luwag ng community quarantine sa ibang lugar, hindi pa rin talaga fully functional ang mga public transportation at hindi rin tiyak kung safe na ba talaga muli kung kaya’t marami ang mas pipiliin na maki sabay sa may kotse. Sa Metro Manila, hindi pa rin observed ang coding scheme sa ilang lugar kaya madaming kotse at malakas ang demand ng carwash. Pwede kang mamuhunan sa isang maliit na lote lamang, iilang equipment, at mapagkakatiwalaang tauhan at makapagsisimula ka na ng iyong sariling carwash business. Puwedeng gawing selling point rin na sa pagka-carwash ay nadidisinfect mo rin ang iyong sasakyan—kotse’y makinis, ligtas at malinis!

 

Mga Mahahalagan Paglalaanan ng Dagdag Puhunan Loan

Safety & Sanitation
Unang unang mahalagaang paglaanan ng dagdag puhunan loan ay ang pagiinvest sa sanitation. Kasama dito ang mga sanitary equipment tulad ng thermoscanner, fog sanitizer, PPEs at ventilation upgrades. Hindi lamang nito pinananatiling ligtas ang iyong negosyo, itinataas nito ang value at trust ng iyong mga customer.

 

Pickup, Delivery, & Mobility
Maaaring mag invest rin sa mobility ng iyong negosyo. Puwedeng bumili ng mga motor or delivery vans para sa delivery kung retails ang iyong negosyo. Kung services naman ang iyong negosyo, pwede pa ring gamiting ang transportation para sa home service (katulad ng salon services) or pickup & delivery (para sa mga tulad ng laundry services).

 

Expansion & Welfare
Ang pamumuhunan sa negosyo ay may dalawang anyo. Maari mong iexpand ang iyong negosyo sa pamamagitan ng pagbubukas sa ibang location, pag papalaki ng iyong store, or pagpaparami ng iyong inooffer. Ang pangalawang banda ng pamumuhunan ay ang pagiinvest at pagpapatibay ng kung anong mayroon ka na, lalo na ang tauhan. Maaaring kang mamuhunan sa welfare ng iyong employees para siguraduhin na maayos ang kanilang lagay at sa ganitong paraan ay mapagtitibay mo rin ang kanilang loyalty. Kahit alin man sa dalawa ay maaring paglaanang ng dagdag puhunan loan at tiyak na pareho nilang kayang iimprove ang iyong business.

Lalo na sa mga nangangailangan, ang mga loan packages katulad ng startup business loan or dagdag puhunan loan ay tiyak na makakatulong ngunit hindi nito kayang igarantisa na magtatagumpay at magtatagal ang iyong negosyo. Nasa tamang pagpaplano, pagaadjust, at pamamalakad niyo yan! Sabi nga nila, ang tagumpay ay nasa inyong mga kamay.

Maginquire para sa serbisyo tungkol sa Startup and Dagdag Puhunan loan – APPLY HERE!

By |2020-08-06T03:28:46+00:00August 4th, 2020|Loan Tips|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment