Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Monday - Friday 9:00 AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 8294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

Negosyopportunities sa Panahon ng Lockdown

Sa simula pa lamang ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ, hindi lihim na isa sa pinaka pangunahing suliranin ay ang pag operate ng mga negosyo.

Dahil sa panukala na nagbabawal sa mga mamamayan na lumabas, iilang institution lamang ang pinapayagang mag-operate sa kabila ng banta ng COVID-19. Kasabay ng paghinto ng ilang negosyo, ay nawalan rin ng kabuhayan ang maraming empleyado.

Ang ibang negosyo ay naghandog ng new services like delivery. Mayroon ginamit ang opportunity na ito para mag kawang-gawa. Ang iba pa ay nag business loan para gamiting pampasahod o pantulong sa kanilang empleyado. Ano ang mga bagay na pwedeng gawin ng mga negosyo ngayong panahon ng ECQ?

Essential Services

Ang mga pangunahing goods at services katulad ng pagkain, domestic items, gamot, medical services, protective services, at public service ay hindi nahinto. Lahat sila ay pinapayagang magoperate ngunit under strict sterile circumstances ie, kailangan ay ma-observe ang social distancing, dapat ay laging disinfected ang mga gamit, ang mga pagkain ay for takeout o delivery lamang (bawal mag dine-in) and so on. Kahit na may limit sa operation ng mga essential goods provider, nasa mainam silang kalagayan. Ngunit hindi lahat ng may ganitong negosyo ay well-adjusted sa limitations ng lockdown. Isang pwedeng halimbawa ay mga dating dine-in only restaurants na maaaring mag-venture into delivery; mangyari lamang na pwede silang mag business loan para magkaroon ng iilang motor or service vans.

Peripheral Services & Alternative Livelihood

Dahil hindi totally nag shutdown ang mga kabuhayan, may mga serbisyo katulad ng automotive repair, and fueling na hindi din pwedeng magsara dahil peripheral sila sa operations ng essential services. May iba namang nagamit ang opportunity na ito para mag try ng ibang livelihood katulad ng buying and selling ng mga products sa Lazada or Shoppee. Hindi din nag sara ang ibang financial institution dahil ngayon mas kailangan ng mga tao ng pera. Para sa inyo na gusto sumubok ng alternative livelihood, maaring kumuha ng Business loan gamit ang inyong land title or Car OR/CR bilang collateral para makakuha ng mas mababang interest at mas mahabang terms.

Digital Services

Katulad ng nabanggit kanina, ang mga online services katulad ng Lazada at Shopee ay mas namamayagpag ngayon panahon kung kailan ang mga tao ay hindi pwedeng lumabas ng kanilang mga bahay. Ngunit hindi lamang online selling ang mabentang digital service ngayon—kung dati ay tutok na ang sangkatauhan sa internet, mas lalo pa ngayong isa ito sa mga pangunahing libangan nila dahil bawal lumabas. Dahil dito, lumaki ang demand para sa digital marketing or advertising services katulad ng website development, Google marketing, at social media advertising. Binigyang diin din ang halaga ng mga negosyong hosted sa digital platforms katulad ng BPO services at iba pang trabaho na pwedeng gawin sa bahay (work from home/WFH). Hindi maipagkakaila na dumadami ang maliit na digital brands sa Pilipinas; mga brands na binubuo ng iilang freelancers na naghahandle ng digital projects katulad ng website design, social media management, at iba pa. Pwede nilang gamiting opportunity ito para kumalap ng clients dahil ang mga decision makers ng mga negosyo ay stuck din sa bahay. Pwede silang kumuha ng business loan para gamitin sa software, hardware, at ibang digital peripherals tulad ng mas malaking servers, extra bandwidth, at iba pa. Maraming brands ang tiyak na kukunin ang opportunity na ito para mag migrate into digital kaya asahan na tataas ang demand para sa mga naturang services.

Takeaway Thoughts

Bagamat hindi panghabambuhay itong lockdown, mahalaga ding bigyang ng forethought na baka hindi natin malalaman kung gaano ba talaga ito tatagal. Maaaring bukas makalawa ay magkalunas na; maaaring mag-evolve ang virus at dumami ang mahawa. Pinaka mainam ay maghanap tayo ng mga solution sa financial na problema, at una na dito ay kung paano magpapaikot ng pera kasabay ng aktibong pangangalaga sa mga tao sa inyong kumpanya. Ang mga financial institutions ay mahahalagang haligi ng ekonomiya sa ganitong panahon dahil pwede silang sandalan ng mga negosyong layong lumingap ng pasahod or kung hindi man ay nais paigtingin ang kanilang negosyo.

By |2020-07-23T04:26:01+00:00May 26th, 2020|Uncategorized|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment