Kung may business ka na nagsurvive sa kabila ng binansagang strictest lockdown sa mundo, congratulations! Pero sa kabila ng ability to operate muli ng iyong negosyo, mahalaga din na makapag operate ito under new hygienic measures. Isang pwedeng paglaanan mo ng business loan ay ang procurement ng mga sumusunod na new-normal necessities para sa kahit anong business na gustong magawarang bilang “safe” at “sanitized”.
Rapid Testing
Ang mga negosyo ay mahahalagang point of contact; ibig sabihin ay pwedeng dito ang lugar kung saan maaaring makuha ng maraming tao ang sakit dahil sa dami ng foot traffic. Ipagpalagay nating may empleyado ka na asymptomatic carrier ng COVID-19 at meron kang foot traffic or guests na 100 per day sa store. Kung siya ay interfacing, at nakikipag interact sa tao, maaaring mahawaan niya ang at least 50% sa kanila and at most lahat sila. Maaaring mag invest sa rapid testing ng employees para sa initial diagnostic kung sila ay COVID free pero payo pa rin ng mga eksperto, symptom-free home quarantine for 14 days.
PPEs
Mahalaga ang Personal Protective Equipment or PPE para sa kahit na sinong empleyado lalo kung karaniwan sa kanila ang pakikipag salamuha sa ibang tao. Mahalagang bahagi na ng iyong operation na magkaraoon ng constant supply ng facemask, acrylic shields, at gloves para sa mga empleyado sa retail. Ang ibang PPE tulad vest o coveralls ay depende sa level of engagement sa ibang tao katulad ng mga nasa personal care industry like salon or barbershop.
Disinfection Machines
Bagamat may kamahalan ang mga naturang machines, malaki ang maitutulong nito para sa mas ligtas na workspace at kayang kaya mo itong ma-afford gamit ang isang business loan. Mas malaki din ang trust ng customers sa isang business na seryoso sa kanilang disinfection efforts. Makakatulong ang disinfeting machines katulad ng vapor sanitizers para sa pag disinfect ng mga guests upon entry. Pwede ka rin maginvest sa UV light disinfectant at iinstall sa stock room at sa lalagyan ng pera. Ang disinfectant fogger ay madaling paraan para idisinfect ang buong store lalo ang mga lugar na malakas ang foot traffic.
Cashless Payment Options
Isa pa pinaka pamumugaran ng viruses at bacteria ay pera. Hindi lamang dahil sa halos hindi natin hinuhugasan ang pera ngunit sa isang araw, ang isang piraso ng bente o singkwenta peso ay papasa sa iba’t ibang tao ng maraming beses sa isang araw. Halimbawa ikaw ay suklian para sa 500 ng ilang 100, 50, at 20 peso bills, isipin mo na lang saan lahat iyong nanggaling kasama pa ang mga barya. Maginvest ka sa Point of Sales or POS system na pwede ang cashless transactions tulad ng Visa or Mastercard terminal. Mejo may kamahalan ang ganitong investment pero kayang kaya mo itong ishoulder gamit ang business loan. Bukod dito, mahalaga din ang options para sa remote payments tulad ng Paymaya, Gcash, at ibang online methods. Gamit ang business loan, maaari kang magpa-develop ng app, website, or payment portal system & tracking para sa remote payments ng iyong mga customers.
Ang daming mga adjustments ang kailangan natin gawin sa ating personal capacity para siguraduhing ligtas tayo mula sa COVID-19 at iba pang sakit. Bilang business owners, mas malaki ang ating responsibility sa pagpapatibay ng public safety kung kaya’t ang ganitong implementations ay dapat bigyang priority.
Leave A Comment