Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Monday - Friday 9:00 AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 8294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

Paskong Pagsubok para sa mga Business Owner

Disyembre ang maituturing na pinakamasayang panahon para sa mga manggagawa.  Bukod sa maraming tradisyon na talaga namang kaabang-abang, sa ganitong buwan din ibinibigay ang pangdagdag-gastos na mas kilala natin sa tawag na 13th month pay.  Samantalang para sa mga nagne-negosyo, ito ay may kaakibat na pagsubok.  Mabuti nalang at may SME business loan sa Pinas gamit ang land title o OR/CR ng sasakyan bilang collateral.

13th month pay

Kumusta ba ang financial resources ng iyong negosyo ngayong kakasimula ng Nobyembre?

Talaga namang nayanig ang lahat ng mga kumpanya sa parehong short-term at long-term na epekto ng COVID-19 pandemic.  At habang nagsusumikap ang parehong mga manggagawa at mga negosyante na makabangon mula sa hindi inaasahang pagbagal ng pandaigdigang ekonomiya, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngunit gamit ang mga ilang pagbabago bilang pang-iwas sa kinatatakutang sakit.

Bukod sa takot na makuha ang COVID-19, ang mabalitaang hindi mabibigyan ng inaasahang benepisyo ngayong palapit na Disyembre ay malaking dagok para sa maraming manggagawa.  Kamakailan lamang ay iginiit ng Department of Labor and Employment na dapat maibigay ng mga employer ang annual incentive ng mga manggagawa.  Nauna nang nasabi ng kalihim ng DOLE na ang mga kumpanyang maituturing na  “distressed” ay maaaring payagan na makapagbigay ng 13th month pay matapos ang December 24.

Ngunit, ayon sa maraming business owner, napakahirap maglikom ng funds para makasunod sa utos ng DOLE tungkol sa nasabing benepisyo.  Nauna na ring nagsabi ang pamahalaan na magbibigay ng subsidy para sa mga small to medium enterprises pero binawi nito ang pahayag nuong Oktubre na nagsasabing walang pagkukunan ang pamahalaan ng fund.

Pagsalubong sa 2021

Sa dami ng nangyari simula sa unang buwan ng 2020 hanggang sa kasalukuyang buwan, malamang ay napakaraming tao ang gugustuhin nang makatawid sa panibagong taon.  At para sa mga negosyante, ang 2021 ay isang pagkakataon para balikan ang mga business plan na hindi naisakatuparan dahil sa pandemic.

Ang pagkakaroon  ng extra fund mula sa collateral loan sa Pinas ang isa sa mga mahahalagang pre-requisites sa mga naiplanong business expansion o kaya naman ay purchase ng machinery o equipment na makatutulong sa pagpapalago ng negosyo.

Paskong Pagsubok

Bago matapos ang kasalukuyang taon, obligado ang mga business owner na humanap ng paraan kung paano maibibigay ang mandatory 13th month pay.  Totoo na ang pamahalaan ay tumukoy ng mga rural banks at small business corporation (SBC) para magpautang sa mga MSMEs, ngunit paniguradong dadaan sa butas ng karayom ang mga magtatangkang humiram ng pera.

Mabuti na ang mayroon kang alternatibo.  Ang sangla titulo o sangla OR/CR ng sasakyan ay maaaring gamitin para sa inyong negosyo.  Sa panahon ngayon na unti-unti palang bumabangon ang buong ekonomiya, makaaasa na maghihigpit ang mga bangko sa approval ng business loan.  Isang paraan ang collateral upang ikaw ay makahiram ng pera mula sa mga pinagkakatiwalaang lending institutions.

By |2020-11-25T07:17:26+00:00November 25th, 2020|Business Loan, Loan Tips|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment