Email: customerservice@jctezloan.com | Office Schedule: Mon - Fri 9:00AM - 6:00 PM | LANDLINE: (02) 8294 9708 GLOBE: +639178676881
“SUPPORTED OVER THOUSANDS FILIPINOS IN REACHING THEIR DREAMS!”

Safety sa Pagsasanla ng Titulo: Kumpanya vs. Kakilala

Dahil sa nakaraang lockdown, marami ang nawalan ng kabuhayan, at may iilan pang sa sobrang desperado ay nag scam na ng iba. Nabalitaan  mo na baa ng mga nagpapanggap na nanghihingi ng OTP mo sa phone? Paano pa yung balibalita na nakuhaan ng online SAP voucher? Pagdating sa pera at lalo na sa pag sangla ng titulo, mahalaga ang security kung kaya’t heto ang iilang rason para magdalawang isip ka sa pagkuha ng land title loan sa kapitbahay mo at sa halip ay iconsider maghanap ng katiwatiwalang company.

 

Low Interest

Unang una sa lahat, isang bagay na hindi mangyayari sa pagloloan sa reliable na kumpanya ay low interest. Ang pangunahing interest rate model na gamit ng indibidual na nagpapautang ay 5-6. Kung himiram ka ng 500, ibabalik mo ay 600; 20% interest sa makatuwid. At magbabayad ka lang ng interest buwan buwan hanggat di mo pa kaya isettle ang utang. Hindi ganito sa companies. Ang interest rate ay mababa (2% or less) at may payment scheme na itatalaga para masiguradong hindi ka rin mabaon sa debt.

 

Sanitized Transaction

Ngayong panahon ng pandemic, madaming naghahanap ng easy money at baka isipin na tutal hindi umuubo ang kapitbay, sa kaniya na lang tayo umutang. Mahirap na masabi ngayon kung kanino pwede ma-contract ang COVID-19 kaya kung magaapply ng land title loan, dun na tayo sa sanitized! Saying naman ang sangla titulo mo kung mahahawa ka rin pala sa kakilala mo—ang hiniram mo, sa ospital mo rin gagastusin. Ang transactions sa company ay sanitized at sumusunod sa lahat ng health and safety guidelines pati na rin contact tracing at iba pang protocols.

 

Full Documentation

Kapag nangutang sa kabit bahay, pereho ba kayong may tala ng running balance? Nereresibuhan ka ba tuwing nagbabayad? May katunayan ka bang pwedeng gamitin para habulin sila kung sakaling manakbo dala ang titulo mo? If you get a land title loan sa company, you also get complete documentation. Ipapaliwanag din sa iyo ang halaga ng mga kontratang pipirmahan. Kada transaction, may resibo physical man o digital.

 

Accreditation & Accountability

Kung sakaling hindi pa pa rin kampante, isa pang magandang dahilan kung bakit ang sangla titulo ay dapat gawin sa mga company lamang ay dahil mayroon silang accreditation. Ang mga companies na nagpprovide ng loan ay rehistrado at accredited. Kung sakaling magka problema (na bihira o halos hindi  nangyayari), security net mo na accountable ang mga companies na ito sa accrediting ang registration bodies katulad ng Securities and Exchange Commission.

Sa panahon ngayon, halos lahat tayo ay madaling masilaw sa agarang pera. Kung sakaling alukin ka ng kaibigan o kakilala mo ng malaking halaga para sa titulo ng bahay mo, magdalawang isip ka muna. Bukod sa mas secure ang pag avail ng land title loan sa isang company, mas mainam din ang payment schemes, at hindi ka naman tatagain sa interes.

By |2020-09-21T06:31:30+00:00September 21st, 2020|Loan Tips|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment